Babaeng druggie, pasok sa kalaboso; Php 500K na shabu nakumpiska

0
304

Binangonan, Rizal. Diresto sa kulungan ang isang babae matapos mahulog sa isinagawang buy bust operations sa kahabaan ng Ynares Street, Brgy. Macamot, bayang noong gabi ng Hunyo 14, 2022.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Director PCOL Dominic L. Baccay ang suspek na si Jacquilyn Ingal alyas Jacqui na nahulihan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng  Php 403,920.00.

Ang nabanggit na buy-bust operations ay ikinasa ng Binangonan Municipal Police Station (MPS) sa pinangunahan ni PLT PLT Geraldo M. Justo sa direksyon ni PLTCOL Vicente Gil Palma, OIC chief ng Binangonan MPS.

Kasalukuyang nasa Rizal Custodial facility si Ingal habang sumasailalim sa forensic examinations ang mga ebidensya ng nakuha sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.