Babaeng senior citizen, patay matapos tangayin ng baha sa Dolores, Quezon

0
469

Dolores, Quezon. Patay ang isang babaeng senior citizen matapos na tangayin ito ng baha sa bayang ito kahapon.

Nakuha ng mga awtoridad kaninang umaga ang bangkay ng biktima sa isang ilog sa Barangay Sta. Lucia.

Nauna dito ay naiulat na nawawala ang 69-anyos na biktima na taga-Makati City.

Kaugnay ito ay nagsagawa agad ng search and rescue operation ang Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Philippine National Police.

Ayon kay Police Captain Arjon Oxina, hepe ng Dolores Municipal Police Station, bandang alas-dos ng hapon nitong kahapon nagpaalam ang biktima na maliligo sa ilog. Pumayag naman ang mga kaanak niya dahil mababaw naman ang ilog at mainit ang panahon. Bandang ala una ng hapon ng malaala ng mga kaanak na sunduin sa ilog ang biktima dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan subalit hindi na nila ito nakita sa lugar. 

Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection, Dolores PNP at MDRRMO ng nasabing bayan, nakita ang labi ng senior citizen sa dulong bahagi ng naturang ilog kahapon ng umaga.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.