Babaeng suspek sa abduction, murder nahuli ng Cavite PNP

0
339

Imus City, Cavite. Arestado kahapon ang isang 45 anyos na tindera na matagal ng pinaghahanap ng batas hinggil sa mga kasong kidnapping at murder.

Ang suspect na kinilalang si Joan Mendoza na residente ng nabanggit na lungsod ay naaresto ng mga tauhan ng Cavite Provincial Police Office (PPO) sa kanyang bahay sa Alapan l- C sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa pahayag ni PCol. Christopher Olazo, direktor ng Cavite PPO, si Mendoza ang itinuturong nagpadukot at nagpapatay sa isang nagngangalang Maribel Hernandez, 42 anyos na kasamahan niya sa hanapbuhay.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Tanza police station, si Hernandez ay dinukot sa Tanza tatlong taon na ang nakalilipas. Kinabukasan ay natagpuan ang kanyang bangkay sa Sitio Corazon de Jesus, Marilaque Road, Marcos Highway, Brgy. Pinugay, Baras Rizal noong Mayo 16, 2020.

Ayon sa rekord ng pulisya, ipinahayag ng mga residente sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Hernandez, dalawang putok ng baril ang kanilang narinig noong gabi ng May 16, kung kaya  at mabilis nilang pinuntahan ang pinanggalingan ng putok at nakita ang bangkay ng biktima na may takip ng panyo ang mukha at may tama ng baril sa dibdib.

Napag alaman na onsehan sa pera ang motibo sa krimen. Diumano ay hindi nagsulit ng benta sa iligal na droga ang biktima kaya ipinadukot at pinatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.