ANTIPOLO CITY, Rizal. Pinagbabaril at napatay ang isang babaeng drug suspect ng hindi pa nakikilalang salarin habang naliligo sa loob ng kanyang bahay sa lungsod na ito sa Rizal nitong Linggo ng Pagkabuhay.
Kinilala lang ang biktima sa alyas na “Rose” na sinasabing kasama sa drug watchlist ng kanilang barangay.
Sa ulat ng Antipolo Police, 3:00 ng hapon habang naliligo sa kanilang banyo ang biktima sa Purok 6, Zone 8, Boulevard, Brgy. Cupang nang biglang pasukin ng isang armadong lalaki at pinaulanan siya ng bala.
Nang matiyak na patay na ang biktima, tumakas ang salarin bitbit ang armas na ginamit sa krimen.
Ayon sa kapitan ng barangay na pinangyarihan ng krimen, kabilang ang biktima sa BADAC watchlist at inaakusahang sangkot sa ilang illegal drug-related cases.
Nakadiskubre rin ang mga awtoridad ng ilang drug paraphernalia sa basurahang malapit sa tahanan ng biktima.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.