Babala ng PAGASA: 10 – 15 bagyo papasok sa Pilipinas hanggang Oktubre

0
752

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng pagpasok ang 10 hanggang 15 bagyo sa Pilipinas hanggang Oktubre, isang araw matapos nitong ideklara ang simula ng tag-ulan.

Ayon kay weather specialist Benison Estareja, ang ilan sa mga bagyo ay maaaring mag-landfall partikular sa Luzon at Visayas, ngunit ang iba ay maaaring magpalakas lamang ng habagat o monsoon, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

Idinagdag ni Estareja na maaaring magdeklara ang PAGASA ng El Niño phenomenon sa buwang ito o sa Hulyo, ngunit hindi nangangahulugan ito ng pagbaba ng pag-ulan.

Posible pa rinang malalakas na bagyo at pag-ulan sa ikatlong quarter ng taon, at inaasahan na mababawasan ang mga pag-ulan sa pagtatapos ng 2023 at unang quarter ng 2024, ayon sa weather bureau.

Samantala, sinabi rin ni Estareja na habang hindi na binabantayan ng PAGASA ang anumang bagyo, nakakita sila ng isang cloud cluster sa silangan ng Mindanao na posibleng maging low pressure area (LPA) sa loob ng susunod na 48 oras.

“Kapag naging LPA ito, maaaring manatili lamang ito sa ating karagatan sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw at posibleng pumasok early next week. Kaya patuloy nating ito ang imo-monitor,” ani Estareja.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo