Babala ng PDEA: Marijuana oil ginagamit sa vape

0
193

Binalaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko, partikular ang mga gumagamit ng vape, laban sa presensya ng cannabis (marijuana) oil cartridges na ginagamit na ngayon bilang vape aerosol sa bansa.

Kasunod ito ng pagkakasabat ng mga ahente ng Special Enforcement Service (SES) ng PDEA sa kabuuang 184 cannabis cartridges sa hiwalay na buy-bust operations sa Taguig City nitong Huwebes.

“Nakita namin na dumadami na ang paggamit ng cannabis oil cartridges sa ating bansa, lalo na sa mga gumagamit ng vape. Kaya naman mahigpit namin itong binabantayan,” pahayag ni Director General Wilkins Villanueva ng PDEA.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Sa unang suspek, nakumpiska ang 164 cartridges ng marijuana oil, na nagkakahalaga ng P738,000 matapos silbihan ng search warrant sa kanyang tahanan sa Barangay Paglingon-Tipas, ayon sa ulat ng PDEA.

Sa ikalawang suspek naman, nadiskubre ang 20 cartridges na nagkakahalaga ng P90,000, sa Barangay Sta. Ana.

Ayon sa intelligence reports, ang cannabis oil cartridges ay galing sa California, United States, at dinala sa Pilipinas sa pamamagitan ng courier service na nasa cargos at balikbayan boxes.

“Worse, these highly-addictive aerosol could now be easily accessed by even students and other minors,” pahayag ng isang opisyal ng PDEA-SES.

Binigyang-diin ng PDEA-SES official na maaaring mahirap itong makilala sa unang tingin bilang karaniwang cartridge para sa vaping device.

“That’s why there is the danger that these could be liberally used to look like the normal vape aerosol,” dagdag niya.

Sa kabila nito, patuloy ang pagbabantay at pagpapatupad ng batas ng PDEA upang masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa ilegal na droga.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo