Babala vs counterfeit bills: Ex army nahulihan ng pekeng pera

0
180

Naglabas ng babala ang Southern Police District (SPD) sa publiko kahapon na maging mapanuri sa mga pekeng pera matapos mahuli ang isang dating sundalong Army na gumamit ng pekeng pera sa isang tindahan.

Nagpaalala ni SPD Director Brig. Gen. Roderick Mariano sa publiko, lalo na ang mga may-ari ng maliit na tindahan, na laging mag-ingat laban sa pekeng pera, lalo na’t papalapit na ang mga “Ber” months at ang panahon ng pamimili.

“We urge the public to immediately report any person to the authorities using such bills in any transaction for appropriate action as the “ber months’ or the peak shopping season draws near,” pahayag ni Mariano matapos hulihin ng pulisya si Kevin Jhon Soncio, 30 anyos na dating sundalo ng Army.

Naaresto si Soncio matapos gamitin ang pekeng pera sa isang sari-sari store sa Brgy. Fort Bonifacio sa Taguig City noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, binayaran ng suspek ang isang pakete ng sigarilyo ng halagang PHP1,000.

Isang menor de edad na nagbabantay sa tindahan ang nakasaksi ng insidente. Tiningnan nito ang pera at ng mapagtanto na ito ay peke agad siang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nagresulta sa pag aresto sa suspek.

Nakuha mula kay Soncio ang siyam na pekeng PHP1,000 at iba’t ibang mga identification card.

Sa panahon ng pag-aresto, inilahad ng suspek na siya ay miyembro ng Philippine Army. Matapos ma-verify, natuklasan ng pulisya na siya ay tinanggal na sa serbisyo at ang mga dala niya ay mga pekeng mga dokumento.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal possession and use of false Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit), usurpation of authority, at paggawa ng pekeng mga pampublikong dokumento.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo