Baby na idiniklarang patay, nabuhay

0
300

Pandi, Bulacan. Nadiskubreng buhay pa pala ng isang ama ang kanyang sanggol na idineklarang patay matapos hindi humihinga ng iniluwal sa isang ospital sa lalawigang ito.

Dahil dito, nanawagan ng hustisya ang ina na si Jennifer Martinez, residente ng Pandi na na-admit noong Abril 2, 2023 at namatayan ng premature baby girl sa isang hindi muna pinangalanang ospital.

Ayon kay Jennifer, idineklarang patay ang kanyang babaeng sanggol na kulang sa pitong buwan dahil hindi raw ito umiiyak at humihinga ng ipanganak ito.

Sinabi ng doktor diumano sa kanyang mister na kumuha ng kahon para paglagyan ng sanggol subalit napansin ng ama na dalawang beses itong nag buntong hininga.

Agad inireport ng ama sa doktor ang paghinga subalit sinabihan siya ng doktor at nurse na guni-guni lamang niya iyon at namalikmata lamang siya dahil walang nabubuhay na sanggol na sobrang liit.

Sa tulong ng hipag ni Jennifer, inuwi nila ang sanggol sa kanilang bahay para ilibing subalit nang silipin ay nakitaan nila ng malakas na heartbeat ito kasabay ng pag-iyak.

Ibinalik nila ang sanggol sa ospital, ayon sa pamilya ni Jennifer na nangailangan ng incubator subalit walang makuha mula sa kalapit ospital at Maynila.

Pasado alas otso ng gabi ng sinabihan sila ng doktor na tanging sa Cabanatuan  lamang umano ang kumpleto sa kagamitan gaya ng incubator ngunit biglang nanghina ang sanggol hanggang sa binawian na ng buhay.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Jennifer na bukod sa blotter sa barangay ay hindi pa nila alam ang kanilang gagawin ngunit ayon sa kanya ay inilalapit na ng pamilya kay Senador Raffy Tulfo ang kaso at umaasang matutulungan sila.

Habang isinusulat ito ay sinusubukang kunin ang panig ng mga tinurang doktor at nurse.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.