Bagong bagyo papasok sa PAR ngayong Sabado

0
657

Tinatayang makakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Khanun” (international name) ngayong Sabado ng gabi hanggang sa Linggo ng umaga, at tatawaging bagyong “Falcon”kapag nakapasok na ito. 

Ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA, sa 5 a.m. na weather forecast kahapon, namataan ang Tropical Storm na nasa 1,300 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Ang lakas ng hangin nito ay umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna ng bagyo, at may bugso ng hangin na hanggang 80 kilometro kada oras. Ang direksyon ng pagkilos nito ay pakanluran timog-kanluran, at may bilis na 10 kilometro kada oras.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Daniel James Villamil, “Posible itong makapasok sa ating Philippine area of responsibility bukas ng gabi or sa madaling araw ng Linggo.” Dagdag pa niya, “Patuloy po itong lalakas sa mga susunod na araw at papasok ito bilang typhoon category sa ating PAR.”

Ayon sa state weather bureau, nananatiling maliit ang tsansa na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals sa anumang bahagi ng Pilipinas sa mga susunod na araw dahil sa layo pa nito. Gayunpaman, posibleng hatakin ng bagyo ang Hanging Habagat sa susunod na tatlong hanggang limang araw habang binabaybay ang northern portion ng Pilipinas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo