Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11983, o New Philippine Passport Act, upang mapadali ang pagproseso ng aplikasyon para sa passport sa bansa.
“RA 11983 was signed by Marcos on March 11, repealing RA 8239 or the Philippine Passport Act of 1996, aiming to develop a new generation of Philippine passports that are at par with international standards,” ayon kay Communication Secretary Cheloy Garafil.
Sa ilalim ng bagong passport law, sinabi ni Garafil na ang proseso para sa regular passports ay magiging “madaling ma-access” lalo na para sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at overseas Filipino workers (OFWs).
“The new passport law now authorizes DFA (Department of Foreign Affairs) to provide offsite and mobile passport services in areas outside of the consular offices and foreign service posts. The new law mandates the DFA to accommodate the applications of regular passports by senior citizens, PWDs, pregnant women, minors aged 7 years and below, solo parents, OFWs, and individuals with emergency and exceptional cases,” dagdag pa ni Grafil.
Sa ilalim ng RA 11983, itinatag din ng batas ang isang electronic one-stop shop sa website ng DFA para sa mas mabilis na aplikasyon at pagkolekta at pagsusumite ng mga requirements.
“The new law mandates the DFA to accommodate the applications of regular passports by senior citizens, PWDs, pregnant women, minors aged 7 years and below, solo parents, OFWs, and individuals with emergency and exceptional cases,” dagdag pa ng opisyal.
“Under the new law, incumbent government officials and employees, as well as members of their families, may hold two passports simultaneously,” aniya.
Binigyang-diin naman ng RA 11983 ang mga probisyon at multa para sa “forgery, withholding, at improper use” ng mga pasaporte at iba pang travel documents, pati na ang mga hindi patas at diskriminatoryong gawain na ginagawa ng mga opisyal ng DFA.
Tinukoy ni Garafil na ang mga taong o entidad na walang legal na kapangyarihan na magkonfiska, magtago, o pigilin ang anumang pasaporte na inilabas ng DFA ay mahaharap sa habang hindi bababa sa 12 taon na pagkakakulong at multang hindi bababa sa P1 milyon ngunit hindi hihigit sa P2 milyon.
“For offenses relating to improper passport use and other travel documents, offenders will face 6 to 15 years of imprisonment and a fine of not less than P100,000 but not more than P250,000,” dagdag pa niya.
Para sa mga paglabag na may kaugnayan sa hindi wastong paggamit ng pasaporte at iba pang travel documents, ang mga lumabag ay haharap sa 6 hanggang 15 taong pagkakakulong at multang hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi hihigit sa P250,000,” paliwanag ni Garafil.
Tungkol naman sa mga paglabag na may kaugnayan sa passport issuances, ang mga lumabag ay mahaharap sa 6 hanggang 12 taong pagkakakulong at multang hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi hihigit sa P250,000.
“Ang bagong passport law ay magiging epektibo 15 araw matapos ang publikasyon, sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation,” sabi ni Garafil.
Nakatakdang magsilbing daan ang bagong batas na ito upang mapadali at mapabilis ang proseso ng aplikasyon para sa passport ng mga mamamayang Pilipino, higit na nagbibigay ng proteksyon at kapanatagan sa bawat indibidwal na may layuning makalabas o makapasok sa bansa.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo