Bagong batch ng 56 na Pinoy nakalabas sa Gaza

0
152

Ibinalita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon na 56 pang Pilipino ang nakalabas mula sa Gaza sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group na Hamas.

“Happy to hear the update that 56 more Filipinos have left Gaza amid the Israel-Hamas conflict, joining the 42 who had previously crossed,”  ayon sa tweet ni Marcos.

Dagdag pa niya, “This brings the total to 98 out of the 137 originally in Gaza, now en route to Cairo.” 

Ipinaliwanag ng Pangulo na 34 sa mga Pinoy na ito ay sakay ng flight patungong Qatar at inaasahang darating sa Maynila kahapon 4:30 ng hapon.

Nauna dito, 40 Pilipino ang matagumpay na nakalabas sa Gaza sa dalawang batch — dalawang Pilipinong doktor noong Nobyembre 2 at 40 noong Miyerkules.

Ayon kay Marcos, sa 40 na Pinoy mula sa pangalawang batch, 34 lamang ang dumating sa Pilipinas mula sa Cairo sa ganap na 4:30 nang hapon kahapon, Biyernes.

Sa 40, tatlong Pilipino ang nagpasyang mag-aapply ng Egyptian residency. Ang isa ay manganganak sa lalong madaling panahon at dahil dito, kinakailangang manatili sa Cairo ang kanyang pamilya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo