Bagong bersyon ng Aba Ginoong Maria, inaprubahan ng CBCP

0
31

MAYNILA. Opisyal nang inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang revised Filipino version ng panalanging Hail Mary.

Ayon kay Msgr. Bernardo Pantin, secretary general ng CBCP, ang bagong bersyon ay hindi naman tuluyang pinalitan ang kasalukuyang Tagalog na panalangin na Aba Ginoong Maria, kundi layunin nitong magbigay ng mas tapat at tumpak na interpretasyon mula sa orihinal na Latin na teksto.

“Inaprubahan ng mga obispo ang revised ‘Ave Maria’ sa Conference plenary assembly noong Enero,” pahayag ni Pantin.

Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng CBCP na ang ginawang rebisyon ay nakabatay sa mahahalagang prinsipyo, kabilang ang katumpakan sa Bibliya, pagiging simple, pagiging madasalin, at pagiging naaangkop sa kasalukuyang panahon. Dagdag pa rito, isinasaalang-alang din ang synodality—o ang pagkakaisa ng buong Simbahan—sa pagsasalin ng panalangin.

Ang desisyong ito ay bahagi ng paghahanda ng Simbahang Katolika para sa pagdiriwang ng Jubilee Year 2025. Bukod dito, ngayong taon din ay ginugunita ang ika-50 anibersaryo ng pastoral letter ng CBCP tungkol sa Mahal na Birheng Maria, na may pamagat na Ang Mahal na Birheng Maria, na inilabas noong Pebrero 2, 1975.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.