Bagong clinical ward sa LBDH pinasinayaan

0
164

Nakiisa si Gobernador Ramil L. Hernandez kasama si 2nd District Congresswoman Ruth Mariano-Hernandez sa pasinaya ng bagong clinical ward sa Laguna Provincial Hospital-Bay District Hospital (LPH-BDH) noong ika-10 ng Agosto 2022.  Kasabay nito ng pagsisimula ng cervical vaccination na bahagi ng Women’s Wellness Program ng nabanggit na ospital.

Bukod ang ilan pang serbisyong medikal para sa mga kababaihan gaya ng contraceptive implant insertion and removal, family planning, at iba pa na handog ng Women’s Wellness Clinic sa LPH-BDH.

Ang mga nabanggit na hakbang ay mahalaga sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan kung kaya at malakas niyang sinusuportahan niya ang naturang proyekto, ayon sa gobernador.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.