Bagong Covid-19 variant na ‘IHU’ natukoy sa France

0
288

Natuklasan ng mga French scientist ang isang bagong variant ng Covid na may pansamantalang pangalan na ‘IHU’ na hinihinalang galing sa Cameroon sa west-central Africa.

Ang bagong variant na mula sa lineage ng B.1.640.2 ay pinaniniwalaang nakahawa ng 12 indibidwal sa France, ayon Institute IHU Mederranee Infection, isang research team na sinusuportahan ng French Government. Ang IHU variant ay may 46 na mutasyon at 37 deletions, ayon sa report.

“For twelve SARS-CoV-positive patients living in the same geographical area of southeastern France, qPCR testing that screen for variant-associated mutations showed an atypical combination. However, it is too early to speculate on virological, epidemiological or clinical features of this IHU variant based on these 12 cases,” ayon kay Philippe Colson, ng IHU Mediterranee Infection, Marseille, France.

Ayon sa pag-aaral, ang unang pasyente o index case ay isang fully vaccinated na adult na bumalik sa France kamakailan mula sa Cameroon.

Tatlong araw pagkatapos bumalik ay nagkaroon siya ng banayad na mga sintomas sa paghinga. Ang kanyang nasopharyngeal sample na nakolekta sa kalagitnaan ng Nobyembre 2021, “ay nagsiwalat ng isang hindi tipikal na kumbinasyon na hindi tumutugma sa pattern ng variant ng Delta o ng Omicron, ayon kay Colson.

“The mutation set and phylogenetic position of the genomes obtained here indicate, based on our previous definition, a new variant we named ‘IHU,’ dagdag pa ni Colson.

Idinagdag pa niya na ang mga datos ay “isa pang halimbawa ng unpredictability ng paglitaw ng mga variant ng SARS-CoV-2”.

Gayunpaman, hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang natutukoy na kaso ng IHU sa ibang bansa at hindi pa ito nalagyan ng label na variant of concern ng World Health Organization.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.