Bagong media policy ng PNP sa police journal, binatikos ng mga mamamahayag

0
128

LUCENA CITY, Quezon. Inireklamo ng mga provincial correspondents at newsmen na nakadestino sa lalawigan ng Quezon ang bagong patakaran na inilabas ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) kaugnay sa mga police journal na kanilang ibinibigay sa mga mamamahayag.

Nagtaka ang mga mamamahayag sa pagbabago sa police journal, kung saan hindi na mababasa ang mga pangalan ng mga suspek at biktima na karaniwang isinasaad sa police report o blotter, at dati ay bukas para sa mga mamamahayag. Sa halip, ito’y may label na “name withheld.”

Nang kunan ng pahayag ang Quezon PNP-PIO sa pamamagitan ng chat, sinabi nilang sila ay sumusunod lamang sa bagong polisiya na inilabas ng Police Regional Office (PRO4A), na tinatawag na “Revised Media Relations Policy” na may petsang Setyembre 29, 2023.

Sa kabila nito, handa silang iparating ang hinaing ng mga mamamahayag sa pamunuan ng PNP kaugnay sa nasabing isyu, ayon sa kanila.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.