Bagong missile boats na tutulong sa PH Navy sa pagsugpo sa transnational crimes dumating na

0
230

Dumating na sa bansa ang mga Acero-class gunboat, na kilala rin bilang fast attack interdiction craft-missiles (FAIC-Ms) na magbibigay sa Philippine Navy (PN) ng kakayahan na tugunan ang mga transnational na krimen sa teritoryong karagatan ng bansa.

“These fast patrol craft will significantly strengthen the PN in addressing challenges in the maritime realm that include law violations like illegal fishing, foreign vessels’ intrusion, smuggling and armed robbery at sea; and transnational maritime threats like piracy, drug smuggling and human trafficking,” ayon sa statement ng PN nitong nagdaang weekend..

Dahil dalawang FAIC-Ms ang inihatid na ngayon at pito pa ang darating sa loob ng susunod na dalawang taon, sinabi ng PN na ang kakayahan nitong magsagawa ng  “fast interception, rapid attack, deliver precision fire at missile strike” ay lubos na mapahuhusay.

Sinabi ng PN na ang FAIC-Ms ay maaaring gumanap bilang mothership kapag nagtatrabaho bilang task group kasama ng dalawa o higit pang multi-purpose attack craft (MPAC) kapag nagsasagawa ng mga swar, tactics.

Bininyagan noong Setyembre 6 ang BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong (PG-902), ang unang dalawa sa siyam na sasakyang pandagat na nakuha mula sa Israel Shipyards Ltd. sa halagang PHP10 bilyon.

Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff, Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, na ang mga bagong barkong ito ay lubos na magpapahusay sa kakayahan ng PN na protektahan ang pambansang teritoryo at interes ng bansa.

Ang FAIC-Ms ng PN ay batay sa mga barkong patrol ng klase ng Shaldag Mark V ng Israel. Tatlo pa ang nakatakdang ihatid ngayong taon habang ang natitirang apat na unit ay itatayo sa PN shipyard sa Naval Station Pascual Ledesma, Cavite City.

Sinabi ni dating PN chief, Vice Adm. Adeluis Bordado, na ang mga bagong FAIC-M vessel na ito ay idinisenyo upang pahusayin ang kakayahan ng Navy sa pagtugon sa mga banta sa loob ng  “unique archipelagic composition” ng bansa at protektahan ang mga maritime na interes nito sa mabilis at tumpak na paraan.

Ang mga 32-meter high-speed vessel na ito ay nilagyan ng intercept ability, remote stabilized weapons, at  short-range missiles na may kakayahang maghatid ng  precision strikes laban sa larger hostiles at high-value targets sa lupa at dagat..

Apat sa FAIC-Ms ay armado ng mga non-line-of-sight (NLOS) missiles na may pinpoint accuracy at range na 25 kilometro habang ang natitira ay armado ng machine gun at light automatic cannons.

Ang pagkuha ng siyam na FAIC-M units ay kabilang sa 2019 projects na inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Horizon 2 List ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program.

Ang notice of award para sa FAIC-M project, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP10 bilyon, ay inilabas noong Enero 5 noong nakaraang taon.

Inaasahang papalitan ng mga ito ang puwersa ng patrol killer medium (PKM) o medium-sized patrol craft.

Kapag nakumpleto na ang mga paghahatid ng FAIC-Ms, maaaring hadlangan ng mga sasakyang ito ang mga pagbabanta sadagat at ligtas na makapaglulunsad ng mga non-line-of-sight missiles gamit ang mga nakapalibot na littoral area bilang maneuver space at cover.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.