Bagong pagtaas ng presyo ng petrolyo, inaasahan bukas

0
244

Magpapatupad muli ng panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa simula bukas, Agosto 29.

Ayon sa abiso ng mga kumpanya ng langis, na pinangungunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum, magkakaroon ng karagdagang P0.30 kada litro sa gasolina, P0.70 kada litro sa diesel, at P0.80 kada litro sa kerosene simula alas-6 ng umaga.

Mayroon ding karagdagang presyo sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa halos kaparehong halaga mula sa Caltex (CPI), na magsisimula alas-12:01 ng hatinggabi, habang ang CleanFuel ay magiging epektibo alas-4:01 ng hapon.

Ito na ang ikapitong sunod na linggong pagtaas sa presyo ng gasolina habang ika-walo na sunod-sunod na linggo naman para sa diesel at kerosene.

Ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa patuloy na paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Noong nakaraang Martes lamang, nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa kung saan nagdagdag ng P1.10 kada litro sa gasolina, P0.20 kada litro sa diesel, at P0.70 kada litro sa kerosene ang mga kumpanya ng langis.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo