Bagong pasilidad ng Laguna PPO, pinasinayaan

0
368

STA. CRUZ, Laguna. Pinangunahan ni Laguna Governor Ramil Hernandez, Police Regional Office Director PBGen Eliseo DC Cruz at Laguna Rep. Marlyn Alonte ang pagpapasinaya ng mga bagong renovate na gusali ng Laguna Provincial Police Office (LPPO) kabilang ang chapel belfry, provincial director at female quarters at LPPO administration office sa Kampo Heneral Paciano Rizal sa Barangay Bagumbayan sa bayang ito, noong Enero 26, 2022.

Ang mga bagong ayos na pasilidad ng Laguna PPO ay natupad pamamagitan ng mga hakbangin ni Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo bilang bahagi ng pagpapatupad ng programa ng PNP sa Intensified Cleanliness Policy o ICP at sa 3D’s Policy o Discipline, Decorum and Distinct in contribution.

Pinasalamatan ni Hernandez ang mga miyembro ng Laguna PNP sa kanilang suporta at pakikiisa sa pagsasakatuparan ng mga nabanggit na proyekto na ayon sa kanya ay “magsisilbing inspirasyon sa kanila upang mas maging higit na epektibo sa pagseserbisyo at pagtataguyod ng peace and order sa Laguna.”

“Patuloy nating gawin ang mga nararapat upang mapataas pa ang kalidad ng serbisyo na ating ibibigay sa ating mamamayan.” ayon naman sa mensahe ni Cruz.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.