Bagong ‘sabong’ modernization order, itinanggi ni Abalos

0
335

Itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. kanina na may lumabas na direktiba para sa modernisasyon ng mga operasyon ng sabungan sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Abalos na nakatanggap ang kanyang tanggapan ng mga ulat ng “unnumbered and unsigned memorandum circular na may paksang “Guidelines on the Modernization of Cockpit Operation or Cockfighting” sa lahat ng local government units (LGUs) na nagbigay ng maling pampublikong impresyon sa bagong alituntunin na may kaugnayan sa ‘sabong.’

Nilinaw ni Abalos na isa itong “spurious and unofficial document” at pinayuhan ang mga mahilig sa sabong na magtiwala lamang sa mga official sources.

“Official copies of DILG issuances may be accessed at our website (www.dilg.gov.ph), while official statements, reports, and updates are posted through our social media pages,’’ ang mariing pahayag ni Abalos.

Ayon sa kanya, ang pinakahuling opisyal na direktiba ng DILG na nauukol sa mga operasyon ng sabungan ay ang DILG MC No. 2022-003 na may petsang Enero 19, 2022, na may paksang “Guidelines on the Resumption of Cockpit Operations or Cockfighting in Areas Under Alert level 2 or Lower.’’

Sa ilalim ng MC na ito, tanging mga teknolohiyang nakabatay sa platform at walang cash na taya ang pinapayagan upang maiwasan ang pisikal na pakikipag-ugnayan o pagpapalitan ng mga taya sa loob ng cockpit arena. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo