Sta. Cruz, Laguna. Bumisita si bagong talagang NAPOLCOM CALABARZON Regional Director Atty. Leonora Bartolome sa Laguna Provincial Police Office kanina.
Sinalubong ng mga miyembro ng Laguna PPO si Bartolome sa pangunguna ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tauhan ng Laguna PPO, binigyang-diin niya ang papel ng NAPOLCOM sa pagsasagawa ng administrative at operational control ng PNP na may kapangyarihang mag-imbestiga sa mga anomalya at iregularidad ng pulisya.
Binigyang-diin niya na ginagampanan ng NAPOLCOM ang tungkulin nitong disiplinahin ang mga nagkasalang pulis sa tamang proseso ng batas o panindigan ang mga tauhan ng PNP na gumaganap ng kanyang mga tungkulin sa loob ng mga hangganan ng batas.
“Kami sa NAPOLCOM 4A pinaparusahan namin ang police personnel na may illegal activities or may pagkukulang with the due process. Nevertheless, tinutulungan natin yung mga pulis na nagkakaso sa trabaho but who have perform their duties within the bounds of the law,” ayon sa kanya.
“Maraming erring PNP personnel pero mas marami din namang gumagawa ng tama. In fact they call the police as ‘bayani’ dahil kahit sa trabaho ng mga iba’t ibang ahensiya ay nandun din silang gumaganap kaya naman in times of trouble na yung pulis ang nasa tama ay tama lang din na tulungan natin sila.” dagdag pa niya.
Kasabay nito ay nagdaos ng isang pagpupulong ang mga chief of police at mobile force commanders kung saan ay iminungkahi ni Bartolome na dapat pagbutihin ang mga aktibidad ng PCR upang partikular na matugunan o mapataas ang kamalayan sa mga krimen at iligal na droga.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.