Bagong variant of concern na Omicron variant, kinatatakutan na posibleng mas mabilis makahawa, ayon sa WHO

0
582

Nakita kagabi sa South Africa ang isang bagong Covid variant na tinawag ng World Health Organization (WHO) na Omicron variant. Ayon sa paunang report, ito ay mabilis na lumilipat sa mga kontinente at pinangangambahan ang maraming spike mutation nito. Dahil sa takot ay nag uunahan ngayon ang mga bansa sa pagsususpindi ng air travel.

Ang Omicron (B.1.1.529): SARS-CoV-2 Variant ay may dalang mataas na bilang ng mutation sa spike protein na may malaking kinalaman sa pagpasok ng virus sa cells ng katawan, ayon sa report ng Bloomberg.

Pinag aaralan pa ng mga eksperto kung ang bagong variant na ito ay mas mabilis makahawa at kung mas nakakamatay ito kaysa sa Delta variant.

“ There was an “unusual constellation of mutations And that it was “very different” from the other variants that have circulated. This variant did surprise us, it has a big jump on evolution [and] many more mutations that we expected,” ayon kay Prof Túlio de Oliveira, director ng Centre for Epidemic Response and Innovation in South Africa.

Ayon naman sa paunang ebidensya na nakalap ng (WHO), mas mataas ang panganib na magkaroon ng reinfection dahil sa nabanggit na variant kumpara sa ibang variant of concern.

Samantala, sinabi naman ni US infectious disease chief Dr Anthony Fauci na bagaman at ang bagong variant of concern ay nagbabadya ng panganib, malaki ang posibilidad na ang bakuna ay makakatulong upang makaiwas sa malalang pagkakasakit at pagkamatay. “Until it’s properly tested, we don’t know whether or not it evades the antibodies that protect you against the virus”, ayon kay Dr Fauci.

Nakita ang mga kaso ng Omicron variant sa Botswana, South Africa. Israel, Hong Kong at Belgium. Kaugnay nito, maraming bansa ang nagsuspindi na ng pagpasok ng biyahe ng mga eroplano mula sa mga nabanggit na bansa kasama ang Pilipinas.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.