MAYNILA. Bahagyang lumakas ang Bagyong Crising habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran, ayon sa ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 19. Sampung lugar sa Luzon ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.
Kabilang sa mga nasa Signal No. 2 ang mga sumusunod:
- Batanes
- Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands
- Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Hilaga at gitnang bahagi ng Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)
- Silangang bahagi ng Mountain Province (Natonin, Paracelis)
- Silangang bahagi ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)
- Ilocos Norte
- Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, Magsingal, San Juan, San Ildefonso, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, Santa Catalina, Caoayan, Vigan City, Santa)
Samantala, nasa ilalim ng Signal No. 1 ang mga sumusunod:
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Natitirang bahagi ng Mountain Province at Ifugao
- Natitirang bahagi ng Abra
- Benguet
- Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
- La Union
- Hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, Alaminos City, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, Bugallon)
- Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 kilometro silangan ng Tuguegarao City, taglay ang lakas ng hangin na 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 90 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall si Crising sa Cagayan o Babuyan Islands ngayong hapon o gabi. Inaasahang lalakas ito bilang isang severe tropical storm pagsapit ng Sabado bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng hapon.

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





