MAYNILA. Pormal nang naging tropical depression ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Aurora at pinangalanang “Isang,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ahensya, alas-8 ng umaga nang opisyal na ideklara ang pagbuo ng Tropical Depression Isang. “Alas-8 ng umaga, ang LPA sa silangan ng Aurora ay naging Tropical Depression Isang. Maglalabas ng Tropical Cyclone Bulletins simula 11:00 a.m.,” pahayag ng PAGASA.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na bulletin at maging handa sa posibleng epekto ng bagyo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





