MAYNILA. Asahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong linggo habang papalapit sa bansa ang isang low pressure area (LPA) na may mataas na tsansang maging bagyo at tatawaging “Jacinto.”
Ayon sa PAGASA, ang LPA na nasa silangan ng Mindanao ay mararamdaman sa eastern sections ng Visayas at Southern Luzon ngayong Lunes at Martes, bago tumawid sa Luzon sa Miyerkules. Kapag naging bagyo, ito ay magpapalakas ng habagat na makakaapekto sa central at southern Philippines hanggang kalagitnaan ng linggo, at sa western Luzon sa mga susunod na araw.
Sa Lunes, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang extension ng LPA sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. Habang papalapit ito, mas maraming bahagi ng Luzon ang maaapektuhan sa Martes at Miyerkules.
Inaasahang magpapaulan ang habagat sa MIMAROPA, Visayas partikular sa Panay at Negros, at sa kanlurang at gitnang Mindanao mula Martes hanggang Miyerkules. Sa Huwebes at Biyernes, patuloy pa rin ang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Nagbabala ang PAGASA na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang malakas at tuloy-tuloy na ulan. Samantala, isa pang LPA ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa katapusan ng linggo ngunit mababa ang tsansang maging bagyo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





