Bagyong Kabayan, humina nakataas pa rin ang signal No. 1 sa 16 lugar

0
433

Sa kabila ng paghina ng Tropical Depression Kabayan, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 16 na lugar sa Visayas at Mindanao, ayon sa PAGASA nitong Linggo ng umaga.

Hanggang alas-11 ng umaga ng Disyembre 17, narito ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1:

  • Katimugang bahagi ng Samar (Basey, Santa Rita, Marabut, Talalora, Villareal, Pinabacdao)
  • Southern portion of Eastern Samar (Maydolong, City of Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani, Mercedes)
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Bohol
  • Isla ng Camotes
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Hilagang bahagi ng Davao Oriental (Cateel, Boston, Baganga)
  • Hilagang bahagi ng Davao de Oro (Monkayo, Laak)
  • Misamis Oriental
  • Camiguin
  • Hilagang bahagi ng Bukidnon (Impasug-Ong, Malitbog, Manolo Fortich, Sumilao, Libona, Baungon, Cabanglasan, Lungsod ng Malaybalay)

Posibleng maranasan ng mga naturang lugar ang malakas na hangin sa susunod na 36 oras, na may bilis na 39 hanggang 61 km/h. Maaaring magdulot din ang hangin ng minimal hanggang sa maliit na banta sa buhay at ari-arian.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng mata ni Bagyong Kabayan ay huli nilang natuklasan na nasa layong 440 km silangan ng Davao City. Manatili tayong alerto at mag-ingat sa posibleng epekto ng bagyo sa ating mga komunidad.

#BagyongKabayan #PAGASA #WeatherUpdate

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo