Bagyong Marce, lalo pang lumakas; Signal No. 3 itinaas sa Sta. Ana, Cagayan

0
601

CAGAYAN. Itinaas na ang Signal No. 3 sa bayan ng Santa Ana sa hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan matapos na lalo pang lumakas ang Bagyong Marce ngayong Miyerkules ng umaga, ayon sa ulat ng PAGASA.

Sa kanilang 11 a.m. bulletin, inilabas ng PAGASA ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS):

Signal No. 3

  • Hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana)

Signal No. 2

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • Hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Lasam, Abulug, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Rizal, Santo Niño, Alcala, Amulung)
  • Hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora, Kabugao)

Signal No. 1

  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Abra
  • Natitirang bahagi ng Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Bokod, Atok)
  • Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

Ang Bagyong Marce ay huling namataan sa layong 305 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 315 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, at kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Taglay ni Marce ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 150 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 185 kph.

Ayon sa PAGASA, “Marce ay inaasahang magla-landfall at tatawid sa Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao o magdaraan nang napakalapit sa mga lugar na ito mula bukas ng hapon hanggang madaling araw ng Biyernes (8 Nobyembre).”

Dagdag pa nito, “Inaasaang magpapatuloy ang pag-intensify ni Marce at maaaring maabot ang pinakamataas na lakas nito ngayong araw habang tumatawid sa Babuyan Channel. Bahagyang paghina ang inaasahan dahil sa posibleng interaksiyon sa kalupaan ng Luzon, subalit mananatiling isang bagyo si Marce habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).”

Patuloy na nagbababala ang PAGASA sa publiko na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at landslide, partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS at mga katabing lugar.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo