Bagyong Opong posibleng mabuo, banta sa Visayas at Luzon

0
4354

MAYNILA. Posibleng mabuo sa loob ng 24 oras ang isa pang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa pagsusuri ng Japan Meteorological Agency (JMA).

Ayon sa ulat, ang low pressure area (LPA) na nasa layong 1,345 kilometro silangan ng Hilagang-silangang Mindanao ay may katamtamang tsansa na maging ganap na bagyo. Kapag ito ay lumakas, tatawagin itong Bagyong Opong.

Inaasahan itong makapasok sa PAR ngayong linggo.

Samantala, nakatakdang lumabas ng bansa bukas, Setyembre 23, 2025, ang Super Typhoon Nando (international name: Ragasa).

Batay sa pinakahuling Tropical Cyclone Threat Potential ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) at iba pang weather models, maaaring tumama sa kalupaan at dumaan sa gitnang bahagi ng bansa ang nasabing sama ng panahon sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang mga residente ng Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Visayas na maging handa sa posibleng epekto ng paparating na bagyo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo