DOST/PAGASA – Lumalakas ang Severe Tropical Storm Paolo habang ito’y papalapit sa hilagang bahagi ng Aurora at katimugang bahagi ng Isabela nitong Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa abiso ng PAGASA kaninang alas singko ng umaga, nakatakdang mag-landfall si Paolo sa pagitan ng dalawang probinsya ngayong umaga ng Oktubre 3, 2025.
“The center of Severe Tropical Storm PAOLO was estimated based on all available data including those from Baler and Daet Doppler Weather Radar 150 km East of Casiguran, Aurora (16.0 °N, 123.5 °E ),” ayon sa PAGASA.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 km/h, taglay ang pinakamalakas na hangin na 100 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 125 km/h.
Mga Signal Warning
Itinaas ang Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
- Gitna at timog na bahagi ng Isabela (kabilang ang Santiago City, Cauayan City, at iba pang bayan)
- Hilagang bahagi ng Quirino
- Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Mountain Province
- Ifugao
- Timog-silangang bahagi ng Abra (Tubo)
- Hilagang bahagi ng Benguet
- Gitna at timog na bahagi ng Ilocos Sur
- Hilagang bahagi ng La Union
Signal No. 2 naman sa:
- Gitna at timog na bahagi ng Cagayan (kabilang ang Tuguegarao City)
- Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya
- Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
- Hilagang bahagi ng Nueva Ecija
- Gitna at timog na bahagi ng Apayao
- Kalinga
- Natitirang bahagi ng Abra at Benguet
- Gitna at timog na bahagi ng Ilocos Norte
- Natitirang bahagi ng Ilocos Sur at La Union
- Hilagang bahagi ng Pangasinan (kabilang ang Dagupan City at Alaminos City)
Signal No. 1 sa:
- Natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
- Natitirang bahagi ng Aurora
- Hilagang Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- Hilagang bahagi ng Camarines Sur
- Catanduanes
- Natitirang bahagi ng Apayao at Ilocos Norte
- Natitirang bahagi ng Pangasinan at Nueva Ecija
- Hilagang Bulacan
- Tarlac
- Hilagang-silangang Pampanga
- Hilagang bahagi ng Zambales
Posibleng maging malakas na bagyo
Ayon sa PAGASA, “PAOLO is forecast to move generally west-northwestward throughout the forecast period. On the forecast track, PAOLO may make landfall in northern Aurora or southern Isabela this morning or noon. Further southward shift of track is possible depending on the strength of the high-pressure area located north of PAOLO.”
Matapos tawirin ang Hilagang Luzon, lalabas ito sa West Philippine Sea ngayong hapon o mamayang gabi at patuloy na kikilos hanggang sa lumabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga, Oktubre 4.
Inaasahang lalo pang lalakas si Paolo habang nasa karagatan, at “highly likely” na ito’y maging ganap na bagyo (typhoon) pagdating sa West Philippine Sea, dagdag ng ahensya.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





