Davicalan, Isabela. Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue ang Incident Management Team o IMT matapos muling may makitang bahagi ng nawawalang Cessna 206 plane sa bahagi ng bulubundukin sa Brgy. Sapinit sa bayang ito sa Isabela.
Ayon kay Isabela Provincial Information Office Administrative Officer Joshua Hapinat, may nakita ang IMT kung kayat agad nagtungo sa ngayondoon ang mga search and rescue team na binubuo ng kapulisan, sundalo, bombero, MDRRMO ng Divilacan, Maconacon, Palanan, PDRRMO-Isabela at DENR kasama ang ilang kaanak ng limang nawawala na sakay ng nasabing eroplano.
“Sa ngayon, meron akong na-receive na information as of 6:45 a.m., ‘yung mga tao daw po malapit du’n sa 25-kilometer malapit sa Ilagan-Divilacan Road, may na-spot daw po sila na object that could be a wreckage na po sa mountain side near du’n sa Sapinit. Hindi pa detailed ang nasabi but it could be a wreckage po,” dagdag ni Hapinat.
Noong Biyernes, Enero 27 unang may namataan na isang puting bagay sa bahagi ng Brgy. Dicaruyan, Divilacan, Isabela ngunit hindi naabot ng mga IMT dahil maulap, masukal at zero visibility sa kalawakan at ground search.
Ayon kay PDRRMO head Atty. Constante Foronda, ito rin ang pinagbatayan nila sa nakuhang impormasyon ng isang magsasaka sa lugar kung saan ay narinig niya na mayroon dumaan na eroplano sa naturang bahagi ng bulubunduking bahagi ng Brgy. Dicaruyan.
Maging ang mga Agta community ay tumulong na rin sa ground search sa Cessna plane RPC 1174 na may sakay na anim na katao kabilang piloto sa Brgy. Sapinit.
Kaugnay nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nakipag-ugnayan na rin sa Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) at Japan Mission Control Center (JAMCC) para sa isasagawang search and rescue operations.
Samantala, ayon kay Divilacan MDRRMO Engr. Ezekiel Chavez, maulap, maulan at mahangin pa rin ngayon sa kabundukan sa nasabing lugar.
Gayunman, nag-deploy pa rin sila ng iba’t-ibang grupo upang hanapin ang nawawalang eroplano, maliban sa kanilang grupo mula sa MDRRMC, nag-deploy rin ang Barangay Dicaruyan ng kanilang mga tauhan.
Umaasa ang pamilya ng mga nakasakay na nawawalang cessna 206 plane na mahanap na ang eroplano matapos na may mamataan na debris sakaling gumanda ang panahon.
18,617 Filipino nurses ang nagbalak magtrabaho sa US noong 2022
Pinakamataas ang bilang ng mga Philippine-educated nurse na kumuha ng US licensure exam sa unang pagkakataon noong 2022 sa loob ng 14 na taon
May kabuuang 18,617 nursing graduates mula sa Pilipinas ang kumuha ng US licensure examination sa unang pagkakataon noong 2022, sa pag-asang makapagpraktis ng kanilang propesyon sa Amerika, ayo kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chairperson ng House committee on higher and technical education, sa isang balita noong Linggo.
“In 2022, we had the highest number of Philippine-educated nurses taking the NCLEX in 14 years, in terms of first-time takers,” ayon kay Rillo at binanggit ang data ng US National Council of State Boards of Nursing Inc. (USNCSBN).
Pinangangasiwaan ng USNCSBN ang National Council Licensure Examination, o ang NCLEX, para sa mga rehistradong nars sa America.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo