Bahagyang humina si Paeng; inaasahan ang 5th landfall sa Batangas

0
342

Bahagyang humina ang Severe Tropical Storm Paeng dahil inaasahan ang ika-limang landfall nito sa lalawigan ng Batangas ngayong maghapon.

Huling natunton si Paeng sa baybayin ng San Juan, Batangas kaninang alas-2 ng hapon, ayon sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Taglay ni Paeng ang lakas ng hanging aabot sa 95 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 130 kph. Kumikilos ito ngayon pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Magla-landfall ang bagyo sa paligid ng bayan ng San Juan bago tumawid sa Cavite-Metro Manila-Bataan Peninsula area ngayong maghapon.

Nag-landfall si Paeng sa Virac, Catanduanes dakong 1:10 a.m.; Caramoan, Camarines Sur dakong 1:40 a.m.; Buenavista, Quezon alas-6 ng umaga; at Santa Cruz, Marinduque dakong 8:40 a.m.

Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ay nakataas sa Metro Manila, Bataan, ang katimugang bahagi ng Zambales (Olongapo City, Subic, Castillejos, San Antonio), Marinduque, ang hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (Pitogo, Lucena City, Pagbilao, Infanta, Tiaong, Unisan, Plaridel, San Antonio, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Mauban, Dolores, General Nakar, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Macalelon, General Luna, Catanauan) kabilang ang Pollilo Islands, Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, ang hilagang-kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Islands, at ang hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, Baco, City of Calapan, Naujan ).

Ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 3 ay makakaranas ng hangin na higit sa 89 kph hanggang 117 kph sa susunod na 18 oras.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.