BAI: Ani ng manok sa Hulyo-Agosto inaasahang lulutas sa shortage

0
236

Umaasa ang Bureau of Animal Industry (BAI) na ang susunod na pag-aani ng manok sa Hulyo at Agosto ay makatutulong upang mabawasan ang kasalukuyang kakulangan sa supply ng manok.

Sa “Laging Handa” public briefing kanina, sinabi ni BAI officer-in-charge, Dr. Reildrin Morales, na ang pagbubukas ng ekonomiya ay nag-udyok sa pagtaas ng demand para sa supply ng manok.

Sa kanilang kamakailang pagpupulong kasama ang ilang stakeholders, sinabi ni Morales na tiniyak nila na unti-unti nang nakakaya ang ikot ng produksyon ng broiler.

Sinabi ni Morales na kabilang sa mga hamon na kinakaharap ng mga broiler producers ay kakulangan sa mataas na presyo ng mga imported feeds, tulad ng mais at soya bean meal.

Ang iba pang factors ay ang lagay ng panahon na nagpahaba ng panahon sa pag-aalaga ng manok mula 32 hanggang 42 araw, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na nakakaapekto sa logistical operations, at ang avian influenza na nararanasan na sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Morales na itinaas na ng DA ang kanilang surveillance para maiwasan ang posibleng outbreak ng avian influenza.

Sinabi ni Morales na ang mga tanggapan ng beterinaryo ng lokal na pamahalaan sa buong bansa ay nag-a-update ng kanilang surveillance sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga sample.

Pinayuhan niya ang mga nasa poultry sector na mag-ingat, lalo na pagdating sa biosecurity measures, para maiwasan ang mga sakit.

Hinimok niya ang mga ito na agad na mag-report sa pinakamalapit na veterinary office o sa Municipal Agriculture Office sakaling makaranas sila ng kakaibang aktibidad sa kanilang mga poultry farm.

Idinagdag niya na ang gobyerno ay may magagamit na pondo para sa indemnification para sa mga apektado ng avian influenza. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo