Bakit nagkukulay posas ang bukas?

0
599

May nag trending na paksa ng child abuse offender sa Twitter. Tungkol ito sa isang lalaking teacher sa isang Catholic school sa San Pablo City na “pasimpleng nanghihipo ng mga babaeng estudyante, naninilip ng mga estudyanteng kahit naka-uniform naman ng maayos, nagchachat ng mga bagay na hindi angkop sa tamang pakikipag usap ng teacher sa estudyante.” Ito ang eksaktong paglalarawan sa tinurang pedophile sa Twitter na may hashtag na #kulayPOSASangbukas

Twenty six na bata ang nabiktima ni Sir, ayon pa rin sa mga social media platforms na tanging naging sumbungan ng mga nagrerebeldeng kalooban ng mga apektadong netizens.

Nagpapa-install ng Team Viewer ang teacher sa mga estudyante dahil gagamitin daw sa klase. Ang Team Viewer ay isang comprehensive, remote access, remote control and remote support solution. Pwedeng buksan ang camera ng device ng bata gamit ang app na ito ng hindi niya alam.

Ang nakakalungkot, hindi naibsan ang sakit ng kalooban ng mga biktima at kanilang ang mga magulang sa naging hakbang ng eskwelahan laban sa teacher. Dinismis lang daw ito sa pagtuturo. Magpatawad daw dahil na-hack lang ang account nito. Kung ganon, dapat isangguni sa PNP Anti-cyber crime group ang kaso para matiyak kung totoo ngang hacked ang account na ginamit sa pambabastos sa mga bata. Forgiveness is a process.

Once a sex offender, always a sex offender ito ang paniniwala ng mga pulis sa buong mundo batay sa kanilang mga karanasan. Kung makakalipat ng trabaho sa pagtuturo sa ibang lugar ang subject, posibleng gawin niya uli ang krimen. Sayang naman ang kabanalan kung makakaya nilang kunsintihin ito.

Nag iiwan ng malalim na pisikal o emosyonal na peklat sa isang menor de edad ang pangmomolestya. Matagal ang healing process nito at madalas ay hindi na gumagaling. Dahilan upang hindi dapat binabalewala alang alang sa imahen ng eskwelahan o anumang institusyon.

Higit sa lahat, kapag ang isang mag-aaral ay nakakuha ng lakas ng loob na magsumbong na siya ay inabuso, ang kaso ay dapat suriing mabuti, at ang bata ay dapat bigyan ng lahat ng posibleng suporta at pangangalaga.

Anumang half-baked investigation, o pagpapakita ng pag-aatubili na ituloy ang kaso, ay mag-iiwan lamang ng sugat at peklat sa biktima sa mahabang panahon, kung hindi man permanente.

May malaking role ang mga paaralan sa pagprotekta sa mga bata? Ang mga nangangasiwa at nagtatrabaho sa mga setting ng edukasyon ay may tungkulin na magbigay ng environment na sumusuporta at nagtataguyod ng dignidad, pag-unlad at proteksyon ng mga bata. Ang mga guro at iba pang kawani ay may obligasyon na protektahan ang mga bata na kanilang pinangangasiwaan. Ang tungkuling ito ay inilarawan sa Artikulo 19 ng Convention on the Rights of the Child (United Nations, 1989), na pinagtibay ng halos lahat ng bansa. Ang sabi dito: 2 Introduction 3 State Parties shall take all appropriate legislative, administrative, social and educational measures to protect the child from all forms of physical or mental violence, injury or abuse, neglect or negligent treatment, maltreatment or exploitation, including sexual abuse, while in the care of parent(s), legal guardian(s) or any other person who has the care of the child.

Paanong maipoporma ng eskwelahan ang puso ng bata kung eskwelahan mismo ang nag aalangan na ipaglaban ang proteksyon nila?

Sinasaluduhan ko ang mga magulang, estudyante at supporters ng #kulayPOSASangbukas dahil nakapagsimula sila ng public awareness tungkol sa reyalidad ng sex offenders sa San Pablo City. Ito ay isang hudyat para sa buong lipunan upang palalimin ang pampublikong talakayan. Mahalaga ito upang makapagtaguyod tayo ng ligtas na San Pablo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.