Bakuna ang susi sa pag ahon sa pandemya: NTF Execs

0
170

Dumating kagabi ang 1,023,750 doses ng Pfizer vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Air Hong Kong cargo flight.

Ang pinakahuling kargamento ay bahagi ng mga bakuna na binili ng gobyerno mula sa pondo ng World Bank.

Nakatanggap na ang Pilipinas ng 216.5 million doses ng iba’t ibang Covid-19 vaccines na binili at donasyon, mula sa iba’t ibang pharmaceutical companies, na nakapagbigay ng 124,510,385 doses sa bansa.

Hindi bababa sa 57.8 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan at 6,683,975 na kwalipikadong indibidwal ang nakatanggap ng mga booster shot.

Pagpapabakuna ang susi sa pag ahon sa Covid-19 pandemic,  ayon kay Assistant Secretary Wilben Mayor, pinuno ng NTF Strategic Communications sub-task group on current operations sa kanyang mensahe noong salubungin ang pagdating nga mga bakuna kagabi.

Hinikayat niya ang mga hindi pa nabakunahang Pilipino na mag-avail ng mga Covid-19 jabs upang makakuha ng sapat na proteksyon laban sa kinatatakutang sakit

Hinimok ng gobyerno ang mga may kumpletong shot na mag-avail ng booster shots para sa karagdagang proteksyon.

Muli ring iginiit ni Mayor na ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 ay ligtas at mabisa laban sa malala at kritikal na sintomas ng sakit at nakakatulong na maiwasan ang pag-ospital ng mga pasyente ng coronavirus.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.