Bakuna Bus, nagbakuna ng 1,000 residente ng Calauan, Laguna

0
586

Patuloy na testing at vaccination, susi laban sa COVID-19.

Calauan, Laguna.  Nabakunahan ang may 1,000 residente dito na nasa A3 at A4 priority group sa pamamagitan ng Red Cross (PRC) Laguna Chapter sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng bayang ito sa ilalim ng programang Bakuna Bus, noong Lunes, Nobyembre 15, 2021.

“Mas lalo nating pinagtitibay ang ating pagbabakuna. Sa ngayon ay bumabalik na tayo sa normal, ngunit hindi ito dapat maging rason upang ilower natin ang ating guard kontra COVID-19. Continuous testing and vaccination ay ang susi upang labanan natin ang COVID-19,” ayon kay PRC Chairman and CEO Sen. Dick Gordon.

Ang PRC ay may 25 Baking Centers at 16 Bakuna Bus na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tumulong sa mga LGU na mabakunahan ang mga Pilipino sa lalong madaling panahon.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.