Bakunahan sa SM San Pablo ipagpapatuloy bukas

0
171

San Pablo City, Laguna. Magsasagawa ng panibagong round ng pagbabakuna ang San Pablo City Health Office (CHO) upang hikayatin ang mas maraming tao na kumuha ng kanilang booster first dose laban sa COVID-19, ayon kay San Pablo CHO chief Dr. James Lee Ho.

“Pinapalawak namin ang mga pagsisikap na magbigay ng mas marami pang first dose at maghatid ng proteksyon laban sa Covid-19 lalo na ngayong holiday season,” ayon kay Lee Ho. 

Ayon sa advisory, tatanggapin ang mga walk-in at mga taga ibang bayan sa gaganaping bakunahan. 

“Magkakaroon tayo ng bakunahan sa SM San Pablo sa Disyembre 27 mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon hanggang 7 upang hikayatin ang mas maraming tao at gawing mas madali ang pagkuha ng mga bakuna sa mga komunidad,” dagdag ni Lee Ho.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.