Bala sa ulo, ibinayad ng customer sa isang negosyante sa Laguna

0
401

SAN PEDRO CITY, Laguna. Sa halip na pera, isang bala ng baril ang ipinutok at ibinayad ng isang kostumer sa isang negosyante na agad nitong namatay matapos. Ang trahedya ay naganap noong Huwebes ng gabi, ika-13 ng Hulyo, sa B26 L3 Phase 3 St Joseph 10 Barangay Langgam sa lungsod na ito sa Laguna.

Kinilala ang biktima si Ruel Maico, isang mayari ng negosyo na residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat ng San Pedro City Police Station kay PCol Harold Depositar, ang Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office (PPO), bandang 8:00 ng gabi, ang biktima ay nasa loob ng kanyang tindahan nang biglang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek na nagpanggap na bibili ng gas tank regulator

Matapos ibigay ng biktima ang produkto sa suspek, sa halip na pera, isang putok ng baril sa ulo ang ibinayad nito sa biktima. Dahil sa matinding tama ng bala, agad na namatay si Maico.

Samantala, patuloy ang hot pursuit operation ng mga tauhan ng San Pedro Police Station upang mahuli ang nakatakas na suspek patungong direksyon ng Sitio Rustan, Brgy. Langgam, sa nasabing lungsod. Sa kasalukuyan, tinitingnan din ang mga CCTV footages sa lugar upang kilalanin ang suspek.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga miyembro ng scene of the crime operatives sa pinangyarihan ng insidente. 

Nanawagan si Depositar sa publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa paghahanap at pagkakakilanlan sa mga taong may kaugnayan sa krimen.

Ayon sa kanya, maglalabas ang Laguna PPO ng karagdagang impormasyon habang patuloy ang imbestigasyon sa paglutas sa naganap na krimen.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.