Banggan ng tricyle at van sa Quezon: 1 patay at isang kritikal

0
268

Calauag, Quezon. Dead on arrival sa ospital ang isang 20 anyos na binata at nasa kritikal na kondisyon ang isa pang 40 anyos na ama matapos mabundol ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Biyan, bayang ito.

Kinilala ni Police Major Reynaldo Panebe, Jr. hepe ng Calauag Municipal Police Station (MPS) ang mga biktima na sina Jetlee Lat, isang negosyante ng isda at ang 40- taong gulang niyang Ama.

Ayon sa pahayag ni Panebe, binabagtas ng tricycle ang kahabaan ng highway na malapit sa kurbada sa nasabing bayan ng nagtangkang mag- overtake ang van sa tricycle ngunit nag alangan ang driver at kinabig ang manibela patungo sa likuran bahagi ng tricycle.

Dahil sa lakas ng pagkakabundol ay bumaligtad ang tricycle, tumilapon ang dalawang biktima at sumabog sa gitna ng highway ang karga nitong isda 

Sa kabilang mabilis na pag rescue narescue sa mag amang Lat ay hindi na umabot ng buhay sa ospital si Jetlee Lat. Nasa Quezon Medical Center naman ang kanyang ama at kasalukuyang ginagamot.

Samantala, nasa kustodiya ng Calauag MPS ang driver ng van.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.