Bangka sumabog, lumubog sa Bajo de Masinloc

0
150

MAYNILA. Sumabog ang isang bangkang pangisda malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal nitong Sabado, Hunyo 29, na nagresulta sa mga paso at lapnos sa mga mangingisda, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, Hunyo 30.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, walo ang sakay ng fishing boat na nagkaroon ng insidente. Sa mga larawang ibinahagi ng PCG, makikita ang mga mangingisdang nagtamo ng burn injury na agad nilapatan ng lunas ng mga tauhan ng PCG matapos magsagawa ng rescue operation.

Sinabi ni Balilo na base sa pahayag ng mga crew, nagkaroon ng faulty battery starter motor na naging sanhi ng pagsabog at kalaunan ay lumubog ang kalahating bahagi ng bangka.

“Nakita rin malapit sa insidente ang dalawang China Coast Guard vessel,” ayon kay Balilo.

Sa ngayon, patuloy pang nangangalap ng iba pang detalye at impormasyon ang PCG at agad na ibabahagi sa media sa sandaling ang mga ito ay available na.

Nakita rin malapit sa insidente ang dalawang China Coast Guard vessel, ayon sa ulat.
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo