Bangka tumaob: 30 patay, 30 nasagip

0
360

Tumaob ang isang pampasaherong bangka at 30 katao ang nasawi sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa paunang impormasyon ng Philippine Coast Guard Sub-Station Binangonan (PCG), bandang 1:00 ng hapon nang tumaob ang MBCA Princess Aya, may 30 yarda ang layo sa Talim Island sa Brgy. Kalinawan sa bayan ng Binangonan.

Ayon sa mga saksi, hinampas ng malakas na hangin ang bangka kung kaya at  nag-panic ang mga pasaherong sakay nito at naipon sila sa kaliwang bahagi ng bangka na kung kaya at naputol  ang katig nito at nagresulta sa pagtaob ng bangka.

“They went to the port side of the motor banca, causing it to capsize,” ayon sa PCG.

Nasa 21 bangkay ang unang narekober habang 6 pa ang nawawala. Tatlompu naman ang nasagip.

Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na nakatutok sila ngayon sa retrieval operation at inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga narerekober na katawan.

Isa sa tinitingnan na sanhi ng paglubog ng bangka ay overloading. Ayon sa lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office (DRMMO), 22 lang ang nakalagay sa manipesto ng bangka.

Wala na umanong storm signal sa bayan ng Binangonan at hindi na rin kalakasan ang alon kaya pinayagan na na makapag­layag ang mga bangka na tumatawid mula sa Port of Pritil sa bayan ng Bina­ngonan patungo sa Talim Island.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.