Bangkay ng 9 anyos na batang lalaki natagpuan sa Batangas

0
637

Cuenca, Batangas. Natagpuan kahapon ng umaga ang naaagnas ng bangkay ng isang siyam na taong gulang na batang lalaki sa ibaba ng isang creek sa Sitio Sagingan, Brgy. Ibabao, sa bayang ito.

Kinilala ni Police Major Ernie de los Santos, hepe ng Cuenca Municipal Police Station (MPS),  ang bangkay na si Rommel Moog, 9 anyos na Grade 4 student.

Ang naaagnas ng bangkay ay natagpuan ng mga residente sa may sapa sa boundary ng Brgy. Balagtasin, San Jose at Sitio Sagingan sa Barangay Ibabao sa Cuenca, Batangas kahapon.

Ayon kay Police Major Ernie de los Santos, hepe ng Cuenca Municipal Police Station (MPS), ang bata ay nawawala mula pa noong Nobyembre 5.

Lumalabas sa imbestigasyon na huling nakitang buhay ang bata sa tabing ilog bago siya nawala noong Nobyembre 5 at hindi na nakauwi sa kanilang tahanan.

Sinabi ni Delos Santos na nadulas ang bata sa mabatong bahagi at nahulog sa ilog na may 25 talampakan ang lalim ng tubig.

Napag-alaman na nangongolekta ang biktima ng basura at itinatapon sa ilog kapalit ng maliit na halaga ng pera upang makabili ng mga pangangailangan sa iskul.

Giniit ni Delos Santos na walang foul play sa pagkamatay ng bata at ang sanhi ay “self accident”.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.