Bangkay ng babaeng hubad, P8M halaga ng shabu natagpuan

0
128

TANZA, Cavite. Natagpuan ng mga awtoridad sa Brgy. Tanuan sa bayang ito ang bangkay ng isang hubad na babae na may kasamang mahigit na P8 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa ulat ng Cavite Provincial Police Office, patuloy pa nilang iniimbestigahan ang insidente habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babaeng biktima.

Ang babaeng biktima, na tinatantyang nasa edad na 30-35 anyos, ay natagpuang walang saplot at wala ng buhay sa kanyang kama sa Block 27 Lot 4 Phrist Park Subd. Matapos makatanggap ng tawag mula sa mga concerned na residente, agad rumesponde ang pulisya sa nasabing lugar madaling-araw kahapon.

Sa isinagawang imbestigasyon, narekober ang humigit-kumulang na 1.2 kilo ng shabu sa kabilang kuwarto ng bahay, na tinatayang nagkakahalaga ng P8,160,000 sa street value. Ang malaking halaga ng nadiskubreng droga ay nagpapahiwatig ng malalim na ugnayan sa iligal na kalakaran ng droga sa lugar.

Kasalukuyan pa ring isinasagawa ng awtoridad ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga detalye ng insidente at ang mga posibleng kinalaman ng babaeng biktima sa ilegal na droga.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.