Bangkay ng Canadian at 2 alagang aso, natagpuang sa Batangas

0
396

CALATAGAN, Batangas. Natagpuang patay ang isang Canadian national sa loob ng inuupahang bahay. Nakita rin sa labas ang bangkay ng dalawang alaga nitong aso sa Brgy. Lucsuhin, bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang banyaga na si Steve Vincent Fiorito, 59 anyos.

Si Fiorito ay nakitang nakahandusay sa kanyang kama sa loob ng inuupahang bahay ng mga rumespondeng pulis noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Major Emil Mendoza, hepe ng Calatagan Municipal Police Station, pinuntahan at sinuri ng mga pulis at barangay officials ang bahay ng biktima matapos magreklamo ang ilang residente hinggil sa mabahong amoy na nanggagaling sa bahay ng ni Fiorito.

Inireport din ng ilang residente na may limang araw ng hindi nila nakikitang naglalakad sa lugar ang Canadian bago siya natagpuang patay.

“There was no foul play and no forced entry in the house as well as no gunshot and stab wound on his body when the victim was discovered, however, an investigation was ongoing to determine the cause of death,” ayon sa kumpirmasyon ni Mendoza.

Ayon pa rin sa report, natagpuan ding patay sa labas ng bahay ang dalawang alagang aso ng Canadian.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.