Bangkay ng lalaking nakasilid sa garbage bag natagpuan sa Cavite

0
129

TERNATE, Cavite. Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasilid sa isang garbage bag at balot ng packing tape ang buong katawan sa Ternate-Nasugbu Road sa Brgy. Sapang 1, bayang ito kamakalawa ng hapon.

Bandang 3:45 ng hapon nang madiskubre ang isang itim na garbage bag ng ilang mga nagdaraan sa nasabing lugar, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa pagsisiyasat at ulat ng mga awtoridad, nadiskubre nila sa loob ng garbage bag ang isang patay na lalaki na nakabalot ng packing tape mula sa ulo hanggang sa paa.

Posibleng itinapon lamang sa nasabing lugar ang biktima at sa ibang lugar ito pinatay, ayon sa mga awtoridad.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa nasabing insidente upang kilalanin ang bangkay at alamin ang buong kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.