Bangkay ng senior citizen natagpuang naaagnas sa bahay sa Quezon

0
326

Babala: May detalye sa balitang ito na maaaring hindi angkop sa lahat ng magbabasa.

Atimonan, Quezon. Hinihinalang pinasok at pinagnakawan at saka pinatay ng hindi pa nakilalang akyat-bahay ang isang senior citizen na natagpuang naaagnas na sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Malusak, sa bayang ito noong Biyernes ng umaga.

Batay sa report ng Atimonan Municipal Police Station, nasa early state of decomposition na ang ng madiskubre ang bangkay ni Venancio Erne Fajardo, 76, na nasa sahig ng kanyang bahay at may takip na foam.

Nadiskubre ito matapos magreklamo ang mga kapitbahay dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa bahay ng matanda.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang mga bakas ng dugo sa sahig at nagkalat din ang mga kagamitan sa loob, indikasyon na hinalughog ang bahay.

Bukas din ang pinto sa likod ng bahay at winasak ang steel grills nito.

Napag-alamang mag-isang naninirahan sa kanyang bahay ang biktima.

Ayon sa mga kapitbahay, huli itong nakitang buhay noong Miyerkules pa ng gabi habang nakikipanood ng TV sa isa sa mga kapitbahay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at isinailalim na rin sa pagsusuri ng PNP crime laboratory ang biktima upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.