Bantayan ang galaw ng mga walang bakuna: Utos ni PRRD sa mga punong barangay

0
454

Ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa ang mga barangay captain na higpitan ang paggalaw ng mga hindi pa nabakunahan habang kinakaharap ng bansa ang biglaang pagtaas ng mga impeksyon sa Covid-19.

“I now giving order to the barangay captains to look at all those persons who are not vaccinated and just would request them or order them if you may to stay put and if they refuse and goes around their house and goes around the community, wherever magpunta (will go), he can be restrained,” ayon kay Duterte sa isang prerecorded Talk to the People.

Muling iginiit ni Duterte na pinapanatiling lamang ng gobyerno na maging ligtas ang publiko sa gitna ng umiiral na pandemya.

“I said the ministrant function of the government is to come up with measures that protect the public interest, public health, and public safety,” ayon sa kanya ay ito mga dahilan kaya at naglabas siya ng desisyon upang pigilang lumabas  ang mga walang bakuna para na din sa kanilang kaligtasan.

“So, in the absence of the law. The president is called upon to act and because it is a national emergency it is my position that we can restrain and that I have ordered the barangay captains because under the law barangay captains can enforce all the laws of the land within their community. That’s the long and short of being the person in authority,”batay pa rin sa prerecorded na salaysay ng pangulo.

Hinimok ni Duterte ang mga punong barangay na pakilusin ang mga sibilyan para bantayan at huwag hayaang makalabas ang mga hindi pa nabakunahan.

Ang Metro Manila Council, na binubuo ng 17 local chief executives sa National Capital Region (NCR), ay sumang-ayon na maipatupad ng mga resolusyon para sa mas mahigpit na regulasyon sa mobility ng mga wala pang bakuna sa gitna ng muling paglalagay sa ilang rehiyon sa Alert Level 3 status.

Ang mga paghihigpit ay magiging “pansamantala” lamang at aalisin kapag ang Covid-19 alert level sa NCR ay ibinaba mula Level 3 hanggang Alert Level 2 o mas mababa pa.

Photo credits: PNA
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.