Barangay chairman at 15 iba pa, huli sa aktong nagtutupada

0
348

Alaminos, Laguna. Arestado ang 15 sa aktong nagsasagawa ng tupada kabilang ang isang barangay chairman sa bayang ito kamakalawa.

Naaktuhan ng mga tauhan ng  Laguna Police Provincial Office at ng Alaminos Municipal Police Station ang mga sabungero  kasama si Mars Libang, 63 anyos na kapitan ng Brgy. San Miguel, Alaminos Laguna kung saan ay isinagawa ang iligal na tupada.

Arestado din sina Edcel Sahagun, Nelson De Rama, Gregorio Malabuyoc, Jhon Mike Dominguez, Mike Joshua Toling, Oscar Manalo, Jhon Albert Hular, Steven Ram Cangas, John Borg Gaspay, Rico James Castillo, Reden Marcelino, Raymond Manalo, Joshua Enovidad, Andy Luna, at Prisco Manalo na pawang mga residente ng Alaminos, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas tres ng hapon noong Mayo 26 ay nahuli ang mga suspek sa aktong nagsasagawa ng iligal na sabong o tupada sa nabanggit na barangay.

Nakumpiska sa kanila ang 2 buhay na manok na panabong, 2 tari at P3,300 na perang ginamit sa pustahan.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Alaminos MPS ang mga nahuling sabungero at nakatakdang humarap sa kaso ng paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.