Barangay Chairman sa Batangas, arestado sa mga iligal na baril

0
407

Sto. Tomas City, Batangas. Dinakip ang isang 49-anyos na Barangay Chairman sa lungosd matapos makita sa kanyang bahay ang mga itinatagong baril, bala at magazine na ay walang kaukulang lisensya.

Ayon sa report, nahalughog kahapon sa bahay ng Barangay Chairman ng Brgy. San Felix, Sto Tomas, Batangas na kinilalang si Gerry Punzalan, ang mga nakatagong mga baril at bala na diumano para sa sarili niyang proteksyon ngunit hindi ito nakapagpakita ng mga kaukulang permit at dokumento. 

Si Punzalan ay nadakip sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit-Batangas Police Provincial Office at Sto Tomas City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Batangas Provincial Director PCOL Glicerio C. Cansilao. Kinumpiska sa kanya ang isang kalibre .45 na Colt pistol, tatlong magazine ng naturang baril na may 72 na bala, dalawang magazine at 82 na bala para sa 5.56 rifle, isang Springfield caliber 30 pistol at isang unmarked shotgun.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sto. Tomas CPS ang chairman at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Illegal  Possession of Firearms and Ammunitions, ayon sa report ni Cansilao kay Regional Director Calabarzon PBGEN Antonio C. Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.