Barangay kagawad sa Quezon huli sa anti-drug ops

0
276

PITOGO, Quezon. Nahulihan ng droga at ngayon ay nakapiit ang kasalukuyang barangay kagawad matapos itong mahuli sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya sa Sitio Pulong Parang, Barangay Cabulihan sa nasabing bayan, kamakalawa ng hapon.

Naharap sa mga aksyon ng batas si Kagawad Cezar Generale, 42 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Cabulihan, na hindi na lalaban sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa taong 2023. Siya ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) nang mga alas-5:25 ng hapon, matapos magpositibo ang kanilang natanggap na impormasyon ukol sa ilegal na gawain ng suspek.

Sa pag-iingat ng suspek ay natagpuan ng mga operatiba ang hinihinalang shabu na may kabuuang halagang mahigit na P10,000.

Ipinapakita nito ang patuloy na pagkilos ng mga awtoridad laban sa iligal na droga, at ang mahigpit na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan sa komunidad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.