Baril at droga, naharang ng Laguna PNP

0
415

Sta. Cruz, Laguna. Nahulihan ng baril ang isang suspek sa anti-illegal drugs sa Biñan City na inaresto sa ilalim ng isang drug buy-bust operations na isinagawa ng Biñan City Police Office sa pamumuno ni PLTCOL Jerry B. Corpuz.

Kinilala ni Acting Provincial Director of Laguna Police Provincial Office PCOL Rogarth B.  Campo ang suspek na isang nagngangalang Christopher Alon-Alon alyas Kit, 39 anyos at residente ng Elvinda Village, San Pedro City, Laguna.

Nakuha ng mga awtoridad kay Alon-alon ang isang baril na Glock 17, dalawang magazine at mga bala kasama ng limang sachet ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Biñan City Police Station habang kinakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165), Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 (R.A. 10591) at sa Omnibus Election Code, ayon sa ulat ni PCOL Campo kay Regional Director PRO-Calabarzon PBGEN Eliseo DC Cruz.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.