Baril at granada nakumpiska; mga suspek arestado

0
431

Cabuyao City, Laguna. Arestado ang dalawang suspek na gunrunner sa buy bust operation na ikinasa ng Cabuyao City Police Station (CPS) kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna Provins-cial Police Office ang mga suspek na sina Jessie Gan at Franie Falle Pawang, mga residente ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng Cabuyao CPS, naaresto ang mga suspek saa Brgy. San Isidro, Cabuyao City, Laguna matapos bumili ng baril ang mga pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga inaresto ang Isang (1) kalibre ang nakumpiska kay alyas Jessie .kalibre 45 na pistola at anim pirasong live ammunition at isang granada.

Kasalukuyang nasa nakakulong ang mga suspek sa Cabuyao CPS at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Maaasahan po ninyo na lalong paiigtingin ng Laguna PNP ang mga sa operasyon laban sa loose firearms. Dahil ang mga bagay na ito ay mapanganib at maaaring kumitil ng buhay ng tao at maaaring gamitin sa iba pang mga krimen,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.